Ang Palayok at ang Pagpapala

Ang buhay natin ay parang palayok. Gawa sa lupa, hinubog ng kamay.

Araw araw, nilalagyan ng Diyos ng laman ang mga palayok natin; mga pagpapala, kahit nga ba minsan parang hindi natin napapansin.

Pero minsan, darating ang araw na bibigyan tayo ng Diyos ng pagpapala na hindi magkakasya sa palayok natin. At dahil alam nya ang pinakamainam para sa akin at sa iyo, Hindi nya gugustuhing bawasan ang pagpapala para lang magkasya sa kaya nating saluhin.

Para magkasya, imbes na bawasan ang pagpapala, ang gagawin Niya ay ipagpapaliban ang pagbibigay nito; Kukunin ang palayok, babasagin at muling huhubugin para mas palakihin.

Sa gayung paraan, hindi nabawasan at magkakasya ang pagpapala na para lang sa’yo.

May pagpapala bang parang ang tagal ibigay? Nakakaramdam ka ba ng sakit ng paghuhubog ngayon? Magalak ka, malamang pinapalaki na ng Diyos ang palayok mo.

— w3bservant —

Advertisements

3 thoughts on “Ang Palayok at ang Pagpapala

  1. pot of gold! hehehe 😀
    ganun nga siguro ang paraan ng Lord – ang basagin ang palayok upang hubugin ulit.. habang naglilingkod sa Panginoon, nagiging broken.. parehong masakit at masarap – masakit kasi parang hindi maintindihan ang kilos ng Lord; masarap dahil alam nating sa brokenness natin, andun ang promise Nya na gagawin ulit bago =)

    kuya web naiinspire ako sa blog mo, na-eencourage din akong ituloy yung blog ko.. I pray bigyan ako ng wisdom & strength ni Lord para magawa yun.. God bless!

    • marami pong salamat. Totoo, napakabuti ng Diyos. Ang pagibig nya ay sapat, kasama sa kasapatan na iyon ung mga trials and moldings na occasionally pinapadala nya para mahubog ang karakter natin. Dakila ang kabutihan ng Diyos at ang karunungan nya ay walang hangganan.

      Salamat, nainspire mo rin ako na magpatuloy. I pray with you that may God give you the will, the desire and the wisdom as you write for His glory.

      Link mo ako ha para ma-update rin ako sa mga posts mo.

      God bless you more.

  2. Pingback: The Necessity of the Desert | Notes of an Imperfect Christian « Notes of an Imperfect Christian

Join the Ruckus...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s