How I learned to be honest with God about my frustrations (part 1 of 2)

Warning, this entry may motivate you to become authentic with God and discover freedom. It can make you become bolder to seek God and tell him your deepest hurts, fears, frustrations, even those that are directed at Him.This is the part of my life when I first took the courage and said, “I’m so disappointed with you, Lord! Why are you doing this to me??! 

Gusto kong i-share sa inyo ito ngayon.

In my own life, nadiscover ko na kapag nagiging honest pala tayo sa Lord, our friendship with God goes to a deeper level. This is a personal testimony, the first event in my life that I learned to be extremely honest with God, and tell him my frustrations.

Warning, this entry may motivate you to become authentic with God and discover freedom. It can make you become bolder to seek God and tell him your deepest hurts, fears, frustrations, even those that are directed at Him.

——————————————————————————————————————–

April 2004. Mahigit 6 months na ang lumipas mula ng ma-terminate ako sa una kong trabaho. Hindi kagaya ng karamihang college fresh graduate, madali akong nakahanap ng trabaho dahil nagsimula ako sa kumpanyang iyun bilang OJT, at nung makagraduate sa kolehiyo, tuluyan na nila akong inabsorb. Laking pasasalamat ko noon, dahil sa hirap ng kumpetisyon, idagdag pang hindi namn ako degree holder (Computer Technician lang ang natapos ko), mahirap makahanap ng matinong trabaho. Naubos na rin ang maliit na backpay na nakuha ko sa kumpanya. At dumadaan ang pamilya ko sa isang krisis na pampinansyal. Panganay ako sa magkakapatid, kaya damang-dama ko ang hirap. Pero nanindigan pa rin ako sa aking pananampalataya. Alam ko, bibigyan ako ng Diyos ng trabaho. Pero hindi ko maiwasang makaramdam ng takot, ng panlulumo at pagkabigo. Gayunpaman, lumaki ako sa isang Christian family, at ang pagkakaalam ko, mali ang magalit sa Diyos. Isa itong malaking kasalanan.

Madalas na kaming mag-away ni Mama dahil sa kakulangan sa bahay. Isang araw, nagkasagutan na naman kami. Sabi nya, hindi daw ako nag-eexert ng effort na maghanap ng trabaho. Puro lang daw ako pagi-internet. Puro gastos. Nung sinabi kong sa internet ako naghahanap ng trabaho, hindi sya naniwala. Di na ako nakipagtalo, walang jobstreet at jobsdb nung panahon nya. Hindi maganda yung sunod nyang nasabi, nasaktan ako at medyo nakapagtaas ng boses sa kanya. Hindi ko ugaling sumagot ng pabalang sa nanay ko. Pero kung alam nya lang ang hirap ng loob na pinagdadaanan ko. Ang hirap at sakit ng katotohanan na jobless ka, bum, palamunin. Masakit sa ego yun. At sa mga panahon na halos panawan na ako ng lakas, sa panahon na kailangan ko ang encouragement nya bilang ina, Ganito pa ang nangyayari. Naghahanap naman ako ng trabaho eh, nageexert nman ako ng effort. Pero bakit ganun, parang may pumipigil, parang may nakikialam. lahat ng inaplayan ko, hindi ako tinawagan. O kung tumawag man, sa exam pa lang bagsak na. Pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko. Tumakbo ako sa kwarto, malakas na isinara ang pinto at umiiyak na dumapa sa kama. Sinisisi ko ang Diyos. Alam kong masama ang magalit sa Diyos, pero hindi ko na kaya.

Sinubsob ko ang ulo ko sa unan at sumigaw. Ibinuhos ko doon ang lahat ng emosyon na kinimkim ko laban sa Kanya. Wala na akong pakialam kung magalit Sya.

“Im so disappointed with you, Lord! Why are you doing this to me??! Hindi ko na kayang makipagplastikan sayo, ganun din nman eh. Nakikita mo ang totoong laman ng puso ko.”

Tuloy tuloy ang paglalabas ko ng sama ng loob, na para bang kaharap ko ang isang kaibigan na nakasakit sa akin. Inamin ko ang takot na nararamdaman ko, ang panghihina ng loob, ng pananampalataya, maging ang lihim na pagkadismaya at, sabihin na nating galit sa knya.

“Nanindigan ako sa pananampalataya ko, pero bakit hindi mo ako tinutugon.?”

Maya maya pa, nakaramdam ako ng pagluwag ng dibdib. Ang dating galit ay naging tampo na lang. At namalayan ko na lang, nagsasalita ako na parang naglalabas ng tampo sa isang kaibigan, sa isang kaibigan na buong unawang iniintindi na nakapagsalita lang ako sa kanya ng mga mabigat na salita dahil sa bigat ng dibdib na nararamdaman ko.

Ilang minuto pa, nanumbalik ang pag-asa ko at tiwala sa salitang hindi nya ako pababayaan. At sa unang pagkakataon mula ng maging Krstiyano ako, nanalangin ako ng buong katapatan…

“Lord, nasasaktan po ako. Hindi lingid sa inyo ang hirap ng kalooban na nararamdaman ko mula ng mawalan ako ng trabaho. Gusto kong maging honest sa inyo, tutal alam mo naman ang laman ng puso ko. Natatakot po ako. Natatakot ako sa magiging future ko, na baka hindi na ako makapagtrabaho. Ang hirap pong maghanap ng job, karamihan ng mga company ay mga degree holder ng kilalang university ang kinukuha. technician lang po ang natapos ko.Kung maari po sana, alisin mo na ako sa ganitong hirap na kalagayan. Hindi ko na po kaya. But I still put my trust in you. I want to believe, help me with my unbelief.”

to be continued

Advertisements

8 thoughts on “How I learned to be honest with God about my frustrations (part 1 of 2)

  1. (dito ako nagcomment dahil andito yung point mo :D)
    alam mo po kuya, ayan din pinagdadaanan ko ngayon.. I fear for my future: the subjects I’ll be taking this coming sem and the ministry, dahil sigurado akong mapagsasabay ko sila, dahil I’m planning to take OJT this sem.. Ang hirap mag-isip, dahil baka hindi ko magawa yung responsibility ko as a youth leader once nag-oOJT na ko.. it’s so frustrating, dahil gusto ko magawa LAHAT, kaso limited lang ang oras or panahon. And that’s my prayer, that God would help me with my unbelief, and the fears and doubts about my future..

    • Hi Midz, sorry it took me time to reply. I was without internet for 4 days, and I do not update my blog in the office using company time.

      I find it amusing that this story still encourages people even though this has happened years ago. But I must say, I feel you. When I was in that situation, God knows how hard it was for me dealing with my anxieties and frustrations that time.

      You know what, reading your comments inspired me to write another entry about choosing between ministry and career. I personally dedicate that to you, so I hope you will like it. God willing, I will be able to finish that during weekend.

      Thanks for following my blogs.

      • nyee meganun hehe.
        ‘Nyway po.. I know hindi mawawala ang frustrations sa buhay natin. I tried to do everything, I tried to have it all done because I was making plans for myself this school year, also before I go overboard the youth ministry (because of my age~). But I’ve received this simple message from my mentor: Don’t do it without God – Exodus 33 (mainly verse 14). Moses wanted to assure that God’s Presence would be with them; if not, he’d rather not go there.. It’s so frustrating to wait for God, but upon waiting, I have to hope also in Him. I may not know what’s ahead of/for me, but God surely is before me.

        Thank you rin sa posts mo.. I think nakaka-relate ako kasi we’re both from ITE 😀

  2. Pingback: The Necessity of the Desert | Notes of an Imperfect Christian « Notes of an Imperfect Christian

  3. Pingback: When I’m having Spiritual Temper Tantrums | Notes of an Imperfect Christian

  4. Pingback: 7 ways to know that our choices are aligned with God’s will (part 2) | Notes of an Imperfect Christian

Join the Ruckus...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s