How I learned to be honest with God about my frustrations (part 2 of 2)

Maya maya pa, nakaramdam ako ng pagluwag ng dibdib. Ang dating galit ay naging tampo na lang. At namalayan ko na lang, nagsasalita ako na parang naglalabas ng tampo sa isang kaibigan, isang kaibigan na buong unawang iniintindi na nakapagsalita ako sa kanya ng mga bagay dahil sa bigat ng nararamdaman ko.

Ilang minuto pa, nanumbalik ang pag-asa ko at tiwala sa salitang hindi nya ako pababayaan. At sa unang pagkakataon mula ng maging Krstiyano ako, nanalangin ako ng buong katapatan…
“Lord, nasasaktan po ako. Hindi lingid sa inyo ang hirap ng kalooban na nararamdaman ko mula ng mawalan ako ng trabaho. Gusto kong maging honest sa inyo, tutal alam mo naman ang laman ng puso ko. Natatakot po ako. Natatakot ako sa magiging future ko, na baka hindi na ako makapagtrabaho. Ang hirap pong maghanap ng job, karamihan ng mga company ay mga degree holder ng kilalang university ang kinukuha. technician lang po ang natapos ko.Kung maari po sana, alisin mo na ako sa ganitong hirap na kalagayan. Hindi ko na po kaya. But I still put my trust in you. I want to believe, help me with my unbelief.”

Umiyak na naman ako. “Kung ako po ang masusunod, I want to put an end to this. But if I really have to go through this Lord, if going through this pain would make me into a better person, then I surrender to your will… Kahit nakikita mo akong umiiyak, kahit nakikita mo akong nasasaktan, if this would bring glory to your Name…. don’t stop Lord… DONT STOP UNTIL YOU ARE FINISHED!!”

Pagkasabi ko nito, naramdaman ko ang isang malamig na hangin na bumalot sa buo kong katawan. Parang yumayakap. Kinilabutan ako, pero mas higit akong kinilabutan ng may marinig akong maliit na boses, na parang nangungusap sa puso ko.

“Finally, my child. You have learned your lesson.”

Sa isang iglap, biglang nagliwanag ang isip ko at naintindihan kong pinili nyang pagdaaanan ko ang bagay na iyon upang higit kong makilala ang kapangyarihan Nya. Sa loob ng pitong buwan, pinili nyang pigilan ang ulan ng pagpapala para matuto akong maging honest sa knya, maging sa mga pangit na emosyon na nararamdaman ko. Narealize kong mas gusto ng Diyos na maging authentic and honest tayo sa kanya, kesa ang purihin sya nang wala naman sa puso. In that 7 months, He taught me how to be like David, being openly honest to Him. Before, I used to know about Him… but now I know Him… deeply, personally.

Nagpatuloy ang boses, “Ngayon, sabihin mo kung ano ang gusto mong trabaho.”

Dahil natuto akong maging honest, naging specific ako.

Gusto ko ng work na above minimum ang sweldo. Gusto ko ng workplace na malapit. Gusto kong madagdagan ang husay ko sa computer o IT, sana isang company na pwede akong makapag-aral sa gabi para makapagaral pa ako ng mga latest sa IT. Kung pwede sana, may mga Christians na officemates. Tsaka Lord, kung pwede magrequest… pwede po ba yung nakalong-sleeves at necktie ako?

Hindi ko alam, pero sigurado akong napangiti Siya ng sinabi ko iyon.


Tok tok. Nagulat ako nang may kumatok sa pinto ng faculty room. Nagising ako mula sa pagpa-flashback na iyon. “Sir RJ, nandyan na po ang mga estudyante nyo sa programming class. Room 3.” Sinabi kong susunod na ako. Katatapos lang ng morning devotion namin na bahagi ng daily routine sa Ortigas branch ng Informatics na dalawang sakay lang ang layo sa bahay. Isang taon na ako dito. Hindi na ako nagaaral sa gabi, kasi may required training ang mga IT instructors ng latest IT courses para maituro namin. Maya maya pa ay narinig ko na ang “Through It All” na tumutugtog sa manager’s office, favorite ni boss. Inayos ko ang tupi ng longsleeves ko at hinigpitan ang necktie, bago ako lumabas ng faculty room…

You will never know that God is all you need until God is all you’ve got.

Advertisements

2 thoughts on “How I learned to be honest with God about my frustrations (part 2 of 2)

  1. Pingback: How I learned to be honest with God about my frustrations (part 1 of 2) « Notes of an Imperfect Christian

Join the Ruckus...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s