Interview with the adulteress

What if there’s already a news coverage like TV patrol or 24 oras during Jesus time?


Julius Shallow: “Mga kapamilya, kapapasok lang po ng balitang ito. Mayroon tayong exclusive coverage ng isang riot sa Jerusalem temple. Nandun ang ating Patrol ng Pilipino Sol Aragon reporting live. Sol, anong development diyan.”

Sol: “Tama iyon, Julius. Narito ako ngayon sa gitna ng  pulutong ng mga tao na tila galit na galit. Karamihan sa kanila ay may mga hawak na malalaking bato at sumisigaw na “batuhin”. Medyo lalapit ako ng konti dun sa harapan para makita ko kung ano ang pinagkakaguluhan nila dito.”

<nakipagsiksikan sa mga tao hanggang makarating sa harap>

All of us have been in her place once in our life.

Sol: “Yes Julius. nandito na ako sa harap, at talagang halos hindi tayo magkarinigan dahil sa ingay ng mga tao dito. Nandito rin pala ang mga Pariseo, bale ito yung mga religious leaders ng religion nila. Mayroon palang babae na diumano ay nahuli sa pakikiapid at ngayon ay dinala sa harap ni Jesus para tanunginang opinyon nya. Naroon sya ngayon sa harap ni Jesus at ng mga Church leaders, pasensya na Julius pero hindi namin pwedeng ipakita sa camera dahil maselan ang ayos ng babaeng hinuhusgahan ngayon ng mga tao. Bukod kase sa  nakaladkad na ang pangalan nya sa publiko ay hindi man lang sya binigyan ng pagkakataon na kahit papaano ay mai-cover ang ilang maselang bahagi ng kanyang katawan. Sobrang humiliation ito para sa kanya.

Pero ang nakakagulat dito ay hindi pa rin kumikibo si Jesus, maliban sa kani-kanina lang ay sumulat sya sa lupa gamit ang kanyang daliri, pero maliban dun ay hindi na sya kumikibo. Magtatanong muna ako sa mga tao.”

Excuse me ate, kilala nyo po ba yung babae?

Woman 1: “Ay oo, galit ako diyan dahil napakaarte yan! Akala mo kung sinong malinis, yun pala may ginagawa nang milagro. Buti nga sa kanya. Ang tagal namang magsimula ng batuhan!”

Sol: “Di kaba naaawa? Babae ka rin, paano kung sayo ito nangyari?”

Woman 2: “Masama kase ang ugali nyang babaeng yan. Ilang beses na rin kaming nagkasagutan nyan eh. Napakamaldita talaga. Ito pa ha, anak sya ng isa sa mga Pariseo at karamihan sa mga kamag-anak nya ay mga kilalang religious leaders. Nakakahiya! Kinaladkad nya ang pamilya nya sa eskandalo! Batuhin!”

Julius: “Sol, ano yun kilala sya ng mga tao?”

Sol: Oo Julius, maliit lang naman kase ang community nila kaya magkakakilala talaga ang mga tao, sabihin mo lang ang pangalan mo alam na kung sino ang tatay mo.”

Julius: “Yung mama interviewhin mo rin.”

“Eh ikaw Kuya, bakit ka makikibato sa kanya?”

Man 1: “Ewan, nakarating lang sa akin yung balita kase nagpatawag ng meeting yung mga liders namin tapos nga kinaladkad na namin yung babae dito. Pariseo din ako eh. So duty ko na ipatupad ang batas. Batuhin na yan!”

Sol: “So nakikisawsaw ka lang, tama ba yun kuya?”

Man 1: “Hindi! Obligasyon kong protektahan ang reputasyon ng relihiyon namin.”

Sol: “Eh yung human rights nung babae, hindi nyo obligasyon na protektahan? Diba as leaders dapat inuna nyong inisip kung paano mapo-protektahan yung babae sa social stigma ng eskandalong ito? Kailangan ba talagang public trial agad? Nakakaawa yung babae, ginawa nyong circus, pati yung mga taong hindi dapat makaalam ng isyu, nakikisawsaw na.

Paano kung nangyari ito sa kapatid o anak mong babae?”

Man 1: “(deadma) Sumusunod lang ako sa lider namin. Batuhin na yan!”

Julius: “Sol, bakit daw babatuhin?”

Sol: “Sa batas kase ng mga Hudyo, ang isang lalaki at babaeng nagkasala ng pakikiapid ay dapat batuhin hanggang sa mamatay.”

Julius: “Eh asan yung lalaki?”

Sol: “Hindi ko alam Julius, pero ang nakuha namin kanina eh yung lalaki yata ang nagsumbong sa mga Pariseo. So parang naging star-witness sya at maaring nasa witness protection program na ngayon ng mga Pariseo.”

Julius: “Eh dapat parusahan na rin yung na lalaking yun.”

Sol: “Hindi ko alam Julius, siguro minor na parusa na lang ang ipapataw sa kanya kase nga sya yung nagsumbong. Ayon pa sa nakalap naming impormasyon kanina, worker sa templo itong lalaki. So malamang tanggalin na sya sa pwesto nya.”

Julius: “Yun na ‘yon?”

<nagsalita si Hesus sa harap at unti unting umalis ang mga tao>

Sol: “Teka lang  Julius, unti unting nag-aalisan ang mga tao at tinatapon na nila yung mga bato. Teka magtatanong ako ulit.

Sir, excuse me po. Bakit po kayo umaalis? Hindi nyo na ba itutuloy ang pagbato sa kanya?”

Man 2: “Hindi na. Ang sabi kase ni Rabbi, kung sino sa inyo ang walang kasalanan, sya ang unang bumato. Matanda na ako, at kung pagsasama-samahin ang lahat ng kasalanan na nagawa ko sa buhay, walang sinabi yung kasalanan nung babae. Nagkataon lang na hindi ako na-expose. Mabuti pa rin ang Diyos at hindi ako inexpose at pinatawad ako sa kasalanan ko. Kung hindi eh baka ipinako na ako sa krus. Napakalaki kong hangal kung ako pa ang unang huhusga sa kanya samantalang ako nga ay hindi hinusgahan ng Diyos sa mga nakakadiring kasalanan na nagawa ko noon. She deserves a second chance. We all deserve second chances.”

Sol: “Julius, narinig natin na narealize ng mga tao na kung ang mga kasalanan nila ay alam ng lahat, baka wala nang natira dito dahil sila sila eh nagbatuhan na. Teka lalapit lang ako kay Hesus at dun sa babae. Kinakausap sya ni Hesus.”

Hesus: “Babae, nasaan ang mga humahatol sayo? Wala bang kahit isang humatol sayo?”

Babae: “Wala po, Panginoon.”

Hesus: “Neither do I condemn you. Go and sin no more.”


If those people are really convicted, after hearing Jesus’ words and being convicted of their own sin, they could have showed repentance by going to the woman and help her fix herself. Sadly, no one did.

Sadly, the same still happens in our world today.

Jesus did not condemn HER, why should we?
Jesus did not condemn US, why should we?
Jesus did not condemn anyone although we deserve to be condemned, who are we to judge and condemn our brethrens?

Who dare throw the first stone?

Advertisements

8 thoughts on “Interview with the adulteress

  1. kala ko sasabihin nung Man 1 — “duty ko ang mangaladkad!” .. bwahahaha~

    kidding aside.. yan na din talaga ang nangyayari ngayon.. sumusunod nalang kasi may consequence pag di sumunod.

    nakakablessed tong blog mo kuya randy.. marami kasi sa atin ang pag nagawan ng kasalanan ng iba, kahit magkausap na, may condemnation pa rin.. sabi nga ni Mary Karen Read:
    “When deep injury is done to us,
    We never recover until we forgive.
    Forgiveness does not change the past,
    But it does enlarge the future.”

Join the Ruckus...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s