An Open letter to Filipino non-Catholics about the Papal Visit

Dear Fellow non-Catholic Christians,

Nalungkot ako nung may mabasa akong ilang bad comments at trashtalks sa social media mula sa ilan sa atin tungkol sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa. Bakit naman po ganun?

While I believe in freedom of expression, I also believe that right does not give us the prerogative to utterly disrespect the belief of others.

We can protest peacefully, and we can disagree without being disagreeable.

Parang gusto ko tuloy kumanta ng, “Why you gotta be so rude?”

In my personal opinion, hindi kasi dapat ganun ang reaksyon.

I have 3 reasons.

Una, RESPECT.

image lifted from Inquirer.net

image lifted from Inquirer.net

The Papal visit to the Philippines has both religious and political implications. Alam na natin yun religious side, so dun tayo sa political.

Vatican City is a sovereign state — ang kinikilalang pinakamaliit na independent state sa buong mundo. Sa madaling salita, ang Vatican City ay isang soberenyang estado kagaya ng Pilipinas, na may watawat, mamamayan at kinikilalang geograpikal na teritoryo — at si Pope Francis ang kasalukuyang Head of the State. Kung hindi natin sya kayang tanggapin for his religious affiliations, he is at least entitled to the full respect and diplomatic honors due to every political figures visiting the country. It is not surprising that Jesus himself said, “Give to Caesar what is due to Caesar.” If Jesus understands the political dynamics in his time, why can’t we? And we call ourselves Christians?

Pangalawa, LOVE

Kaya nagkakaroon ng social stigma ang mga non-Catholic Christians, particularly yung mga debotong Born Again, ay dahil sa mala-extremist, legalist at elitist na pamamaraan ng pagpapahayag ng religious beliefs ng ilan sa kanila.

Yo man, where is the love?

Gagamit ako ng ibang analogy.

Nagpupuyos ang loob ng ilan sa atin dahil sa mga extremists sa Gitnang Silangan; pero sa pagbisita ni Pope, hindi natin nakikita na ang reactions natin reveal na tayo rin mismo nagiging religious extremist in our own ways. Hindi nga lang kasing bayolente, pero in our hearts, we are being extremist. Why? Sige, ano bang basehan nila for doing such crimes against humanity, diba relihiyon? Eh tayo? What are our basis for trash-talking the Catholic faith? Hindi ba dahil some of us believe na ang religion/faith/doctrine lang natin ang tama, and the rest of the world ay mali. At dahil sa naniniwala tayo na ang landas na tinatahak natin patungo kay Kristo ay ang siyang tanging daan, tamang daan, tuwid na daan o nagiisang daan, ibig po bang sabihin noon may karapatan na tayong manuligsa at magpersecute ng religious convictions ng iba? At minsan pa nga ay sa paraang mapapatanong ka na lang: Gawaing Kristiyano ba yun?

Eh ano na po pala ang pagkakaiba natin sa mga tinatawag nating extremist?

Jesus is the Only way to God, but WE ARE NOT the only way to Jesus.

Pangatlo, HOPE

Pope Francis is doing the Filipino Catholics a favor that only Filipino Catholics understand — they see him as a human representation of a God-given hope. Sa panahon na maraming krisis at bagyo ang pinagdaanan ng mga kababayan natin, idagdag pa yung mga balita ng lantarang pambubusabos ng mga walang kaluluwang nakaupo sa gobyerno, no matter how resilient and waterproof the Filipino spirit is, it can also be drained. At bilang isang concerned Filipino citizen, I welcome with open arms whatever things that can legally and morally give my fellow countrymen a new set of hope.

Pope Francis stands on a platform that allows him to reach a larger audience. That is the practical sense of it all. So let’s give this man a chance to do what he alone can do to the largely Catholic Filipino people.

Para sa mga taong nawalan ng mahal sa buhay o ng ari-arian, para sa mga pilit na lumalaban ng patas, para sa mga inapakan ang karapatan, para sa mga Katolikong Pilipino naghahanap ng hustisya na gahibla na lang ang pag-asang mabuhay — ang pagdating ni Pope sa bansa ay nangangahulugan ng panibagong pag-asa. Our countrymen have been through a lot, And this Papal visit means so much to them in ways that even we as non-Catholics cannot fully understand. To them, this is a matter of intimate and personal conviction. At wala kahit sinumang non-Catholic ang may karapatan para hamakin, kutyain at tuligsain ang anumang sumusuhay sa natitirang pag-asa at conviction na iyon, kahit nakakausap mo pa si God.

Maaring taliwas sa paniniwala ko ang ilang tenets ng Catholic faith, but as Voltaire said: “I do not agree with what you have to say, but I’ll defend to the death your right to say it.”

Bilang pangwakas, ito po ang aking pansariling pananaw:

Ako man po ay naniniwala sa kahalagahan ng pagtuturo ng purong salita ng Diyos. I myself uphold the Great Commission and strongly believe in the importance of preaching the Gospel to all men. Pero speaking negatively about other faith is never one of the appropriate, let alone effective ways. Kahit si San Pablo, in his speech sa Areopagus court in Athens (Acts 17:16-34), did not attack the Greek faith even though “his spirit was troubled within him when he saw that the city was full of idols”. He found a way to share the gospel in a non-disrespectful way. Read your Bible po. If Paul, understands the political dynamics in his time, why can’t we? And we call ourselves citizens of a democratic Philippines?

Mga kapatid, sometimes the way we live our lives speaks louder than the way we preach our Bibles. Sabi pa nga ni St Francis of Assisi: “Preach the Gospel, use words if necessary.

I leave to you the words of Jesus…

“In the same way, let your light shine before others, that they may see your GOOD DEEDS and therefore glorify your Father in heaven.”

— Jesus Christ | Matthew 5:16

Pagpalain po kayo, at salamat sa pagbabasa.

Advertisements

6 thoughts on “An Open letter to Filipino non-Catholics about the Papal Visit

  1. Non-catholic rin ako but I adore Pope Francis ’cause he’s spreading the love of God. Lalo na nung sinabi niya na “FOCUS ON JESUS, not on me!” 🙂

    Ito lang yung nakakalungkot about religion, nagkakaroon ng division. Pero this Pope models na it doesn’t matter kung ano ang relihiyon mo, dahil ang love ni God hindi naman yan para lang sa selected people.

    Gotta love Lolo Kiko. 🙂 #respect

    • non-catholic din ako pero nagpapasalamat ako sa pagdating ng pope dahil sa mensaheng naipaabot niya sa mga pilipino: shun corruption, appreciation of ofw’s at pagpapahalaga sa pamilya.

      sino sa mga religious leaders mula sa kahit na anong denomination ang magagawang magbigay ng ganitong mensahe sa mga pilipino? na papakinggan pareho ng mga pangkaraniwang mamamayan at mga nakaupo sa katungkulan?

      hindi man tayo magkaisa dahil sa mga doktrinang pinaniniwalaan natin, magkaisa sana tayo dahil sa pagiging mga Pilipino natin…

  2. well said people!
    non-catholic din po ako, pero sinubaybayan nmin ang mula pagdating nya hanggang sa kasalukuyang activity nya dito sa pinas. nakakatuwa lang kasi panoorin na may 1 tao na nakakapagbuklod ng maraming tao… at tsaka para naman din yang tayo, sa mga church leaders natin like Bro. Eddie V., Bro. Eli Sorioano, Bro. Manalo, etc. diba kapag sila ang pupunta/bibisita sa mga lugar kung nasaan ang mga kapanalig nila, ganyan din reaksyon natin, nagkataon lang kasi na si Pope ay televise bawat detalye.

    wag tayong bitter!

    JesusLoves Us All!!!

    • bitter? inggit? kasi mas popular sya and can mobilize a bigger mass than other groups? pwedeng ganun eh. pwede rin naman hindi. Let’s give this man a chance to do what he alone can do to the largely Catholic Filipino people

  3. im a catholic, bilang isang katoliko masakit ang mga nababasa ko sa social media. bakit nga ba meron mga ilang tao na iba ang relihiyon na hind marunong rumespeto sa ibang relihiyon? for sure, hindi po iyon ang itinuturo ng relihyon ninyo, hindi ba? aminin man natin o hindi isa si Pope Francis sa pinakaninirespeto ngayon sa buong mundo. pero alam nya sa sarili nya na isa parin syang tao at alam nya din na isa syang istrumento para ipagkalat ang salita ng Diyos. Yun na lang ang pagnilayan natin, Isang kilala at nirerespeto sa buong mundo pero ang paa nya ay nananatili sa lupa. at ipinararamdam nya na mahal nya tayong lahat kahit ano pa man ang relihiyon mo.

Join the Ruckus...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s